KUWENTO ng mga taong nakakapagmasid sa ginagawa ng dalawang bida sa kanilang taping, mukhang nagpaparamdam ang bida ng teleserye sa leading lady. Halatang-halata raw ang lead actor dahil kahit hindi naman siya kailangan sa itinatakbo ng kuwento, dahil magkaiba sila ng ginagawa sa istorya, nasa set pa rin siya.

“Mukhang type ni _____ (aktor) si _____ (aktres) kasi kahit wala naman siyang taping, nasa set, eh. Wala naman siyang ginagawa, tambay lang ang peg,” sabi ng spy namin.

Inalam namin kung nakikita rin ba nilang nagkakasarilinan ang dalawa kapag break time.

“Kaswal lang, nag-uusap sa standby area. Hindi namin alam kung after the taping magkasama sila kasi kanya-kanya naman silang sasakyan,” sagot sa amin.

Tsika at Intriga

Gretchen Ho, may hirit tungkol sa pagiging 'bias'

Kinumpirma sa amin ng taong malapit sa aktres na madalas nga raw sa set ang aktor at nakikipagkuwentuhan.

Bagamat hindi naman daw nanliligaw ang aktor, madalas itong magpadala ng pagkain sa set.

“Hindi ko po alam, eh, kapag magkasama sila lumalayo naman na ako, nakakahiyang makinig,” sabi ng kinausap naming malapit sa aktres.

Hala, hindi ba’t may girlfriend na ang aktor na aktres din? Paano na, nag-break o may lovers quarrel ba sila?

Iisa talaga ang tipo ng aktor pagdating sa babae, mas maputi sa kanya.

Ang pahabol naming tanong sa taong nakakasama ng aktres, ‘Hindi ba alam ni _____ (aktres) na may girlfriend si _____ (aktor)?’

“Wala namang binabanggit, eh.’

Sabagay, hanggang ngayon naman ay hindi inaamin ng aktor na may karelasyon na siya.

Kailangan pa ba naman ng clue? Alam na this! (Reggee Bonoan)