coco-at-vice-copy

TUWANG-TUWA si Vice Ganda sa muling pagiging box office record breaker ng pelikulang The Super Parental Guardians (TSPG) nila ni Coco Martin. 

Nagsimulang ipalabas sa 240 theaters angTSPG na umabot sa 315 sinehan kinagabihan.

Ibinalita sa TV Patrol nang gabing iyon na kumita na ng P68-M ang pelikula, kinabukasan inilabas ang P75-M na total gross income nila. Nitong nakaraang Sabado, ayon sa Star Cinema ay umabot na sa P150-M ang kinikita ng pelikula sa loob ng apat na araw na pagpapalabas. 

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Dahil sa lakas ng movie sa takilya, inihayag ni Vice na magkakaroon sila ng tour sa key cities sa buong Pilipinas. 

“Tuloy pa rin kasi hindi natatapos. ‘Pag nag-showing kami, diretso pa rin ikot. Baka nga magkaroon ako ng out-of-town shows to promote the movie kahit showing na siya. Baka magpunta ako sa mga ibang lugar katulad ng Cebu, Davao. Ia-announce namin kung saan kami magpupunta.”

Ang pagtabo sa takilya ng The Super Parental Guardians ay itinuturing niyang Christmas gift.

“Ito na rin ‘yung regalo ko sa sarili ko, eh. I have to do this for myself, I have to do this for my movie, I have to do this for my audience at in-enjoy ko siya. I don’t really consider this as work kasi masaya ako. Masaya ako kasama ko si Awra. Masaya ako kasama ko ibang artista at saka once a year ko lang naman itong ginagawa kaya in-enjoy ko na.”

Originally intended for MMFF ang TSPG, pero hindi nga napasama sa Magic 8, kaya’t agad na itong ipinalabas. Kaya natupad pa rin ang wish niyang makapaghandog ng saya sa lahat, lalo na sa mga batang fans niya na taun-taon ay naghihintay ng kanyang pelikula.

“Kasi ang dami nangyayari sa Pilipinas na nakakaapekto sa emosyon natin araw-araw, nagiging sanhi ng galit, ng away ng bawat isa. Gusto ko maging dahilan ito ng mga tao para lumiwanag ulit ang paligid natin, ang kaisipan natin, maging masaya lang tayo at maging positibo tayo sa lahat ng bagay,” katwiran ni Vice.

“P’wede tayo maging pamilya kahit hindi tayo magkakadugo. At ‘yun ang kailangan ng bansa natin ngayon, na ituring natin ang isa’t isa na pamilya at hindi kaaway,” makahulugang mensahe ni Vice para sa lahat. (ADOR SALUTA)