KUALA LUMPUR (AFP) – Kailangan nang makialam ni Aung San Suu Kyi upang matigil ang ‘’genocide’’ ng Rohingya Muslims sa Myanmar, sinabi ng prime minister ng Malaysia nitong Linggo, binira ang kawalan ng aksyon ng Nobel laureate.
Nagsalita sa 5,000 nag-rally sa Kuala Lumpur, sinabi ni Najib Razak na kailangang pigilan ng gobyerno ng Myanmar ang madugong pagtugis sa libu-libong Rohingya, na tumatakas dala ang mga istorya ng rape, torture at murder.
‘’What’s the use of Aung San Suu Kyi having a Nobel prize?’’ sabi ni Najib sa madla.
‘’We want to tell Aung San Suu Kyi, enough is enough... We must and we will defend Muslims and Islam,’’ aniya sa mga tagasuporta na sumigaw ng ‘’Allahu Akbar’’ (‘’God is greater’’).
‘’We want the OIC (Organisation of Islamic Cooperation) to act. Please do something. The UN do something. The world cannot sit and watch genocide taking place,’’ sabi ni Najib.
Iniulat ng United Nations na mahigit 10,000 Rohingya na ang tumakas patungong Bangladesh nitong mga nakalipas na linggo para makatakasan ang madugong pagtugis ng army sa hilaga ng Rakhine state.