Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan si incumbent Sta. Magdalena, Sorsogon Mayor Alejandro Gamos dahil sa umano’y pagkabigo nitong i-liquidate ang halos P11 milyon cash advances nito noong 2004 hanggang 2007.

Sa utos ng 4th Division ng anti-graft court, walang makukuhang suweldo at iba pang benepisyo si Gamos sa panahon ng kanyang suspensiyon.

Tinukoy ng korte ang inilabas na audit report ng Commission on Audit (CoA), na nakasaad na aabot sa 52 ang naging cash advances ni Gamos na aabot sa P8.207 milyon noong 2004-2007, sa kabila ng kawalan umano nito ng paggagamitan.

Bukod pa rito, aabot din sa P2,770,589.60 ang iba pang cash advances na hanggang sa kasalukuyang ay unaccounted pa.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Pinuna rin ng CoA ang kabiguan ni Gamos na irehistro sa books of accounts ng kanyang cash advances.

Ayon pa sa hukuman, sa pamamagitan ng ilang demand letters ay pinaalalahanan ng CoA si Gamos noong Nobyembre 2008 hanggang Marso 2009 na dapat nitong i-liquidate ang ginamit na pondo. (Rommel P. Tabbad)