MARAMI pala ang boto kina Ryza Cenon at Pocholo Barretto bilang couple. Kinilig ang followers nila nang mag-post ng picture ang dalawa na magkasama. Kahit magkaiba ang ipinost nilang picture, marami pa rin ang natuwa.
May mga concern lang kay Ryza at sa bago pa lang na relasyon nila ni Pocholo kung hindi raw ba nag-react si Pocholo sa picture ng dalaga na naka-two-piece swimsuit? Baka raw maging daan ‘yun para mag-break sila.
Nakalimutan ng mga concern sa relasyon ng newest showbiz couple na ang Korean star na ex-girlfriend ni Pocholo na si Jinri Park ay laging sexy sa pictures na ipinopost sa social media. Minsan lang namin nakitang nakadamit at balot si Jinri at okay ‘yun kay Pocholo kaya medyo nagtagal din ang kanilang relasyon.
Concern din ang fans kina Ryza at Pocholo na baka pag-awayan daw nila ang role ni Ryza sa Ika-6 Na Utos na kabit ni Gabby Concepcion. Mga ineng, artista rin si Pocholo at alam niyang trabaho ang ginagawa ni Ryza at may karakter na ginagampanan.
Anyway, ngayong Lunes na, pagkatapos ng Eat Bulaga ang pilot ng Ika-6 Na Utos mula sa direction ni Laurice Guillen.
Pinuri ni Direk Laurice si Ryza, ibig sabihin, tama ang desisyon niyang tanggapin ang role ng isang kabit at nagampanan niya ito nang maayos. (Nitz Miralles)