Nagsisimula nang magdatingan ang mga batang kalahok sa gymnastics event ng 2016 Philippine National Youth Games (PNYG) – Batang Pinoy na raratsada ngayon sa Gymnastics Association of the Philippines (GAP) Training Center sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Sinabi ni Ms. Anna Mae Carrion, Gymnastics Association of the Philippines –Batang Pinoy secretariat, na umabot sa 152 batang babae ang kasali sa unang event pa lamang sa kompetisyon kung saan nakataya ang gintong medalya sa women’s artistics gymnastics para sa Category I, II at III.

“We’re going to have the opening ceremony at 8:00 am today and then we will immediately start the tournament for the WAG,” sabi ni Carrion sa aktibidad na pangungunahan ni GAP president Cynthia Carrion, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez, PSC Commissioner Celia Kiram at Batang Pinoy Over-all Project Director Ronnel Abrenica.

Inaasahan ang pagdating ng mga kalahok mula sa iba’t-ibang lungsod sa Metro Manila at mga lalawigan sa buong bansa para naman lumahok sa susunod na nakatayang tatlong event na rhythmic gymnastics, men’s artistic gymnastics at ang aerobics.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sunod na paglalabanan sa Disyembre 6 ang mga ginto sa rhythmic gymnastics para sa developmental, pre-Junior, Category I, II at III, habang sa Disyembre 7 ang junior, group at category I, II at III.

Mag-iinit ang aksiyon sa gaganaping men’s artistic gymnastics sa Disyembre 9 at 10 kung saan nakataya ang age group individual all-around (IAA) at ang age group individual events finals (IEF).

Gaganapin naman ang aerobics gymnastics sa Disyembre 11 kung saan nakataya ang pre-junior at age group category pati na sa individual men (IM), individual women (IW) at ang trios (TR).

Sisimulan din ngayon ang taolu at sanda event ng Wushu na gaganapin naman sa Philsports sa Pasig City ganap na alas-8 ng umaga ng Disyembre 5 at matatapos sa Disyembre 8. (Angie Oredo)