CAGAYAN DE ORO CITY – Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Region 10 ang tatlong kumpanya ng bus na biyaheng Cagayan de Oro-Bukidnon na maningil ng pasahe na batay sa itinakda ng ahensiya.

Sinabi ni LTFRB-10 Director Aminoden Guro na nagpasya silang magtakda ng pasahe sa mga bus na bumibiyahe sa mga siyudad ng Malaybalay at Valencia at bayan ng Maramag sa Bukidnon upang maging patas sa lahat ng bus operator.

Sa pakikipagpulong kamakailan sa LTFRB-10, sumang-ayon naman ang Rural Transit Mindanao, Inc. (RTMI), Super 5 at Pabama sa itinakdang pasahe, na magiging epektibo simula ngayong Lunes, Disyembre 5.

Batay sa taripa, sisingil ng P150 sa biyaheng Cagayan de Oro-Malaybalay, habang P120 naman para sa mga estudyante at senior citizen; P200 at P160 sa Cagayan de Oro-Valencia; at P240 at P190 sa biyaheng Cagayan de Oro-Maramag.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Babala ni Guro, ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P5,000, P10,000 at 30-araw na pag-impound sa bus sa ikalawang beses, at P15,000 at pagkansela sa prangkisa sa ikatlong paglabag. (Camcer Imam Ordoñez)