Tatlong pagyanig ang naramdaman sa patuloy na nag-aalburotong Bulkang Mayon sa Albay.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naturang mga volcanic earthquake ay naitala sa nakalipas na 24 na oras.

Nagbabala rin sa publiko ang Phivolcs laban sa panganib ng rockfalls, landslides o avalanches at posibleng phreatic eruptions ng bulkan.

Nananatili sa level 1 ang alert status ng Phivolcs sa bulkan at ipinagbabawal ang pagpasok sa six-kilometer permanent danger zone (PDZ). (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match