Habang patuloy na bumabangon ang Cagayan sa matinding pinsalang idinulot ng bagyong ‘Lawin’ noong Oktubre, naglaan ang Department of Labor and Employment (DoLE) ng P4.5 milyon upang matulungan ang mga binagyong sakada sa lalawigan.

Sinabi ni DoLE Secretary Silvestre Bello III na ang pondo ay magmumula sa Socio-Economic-Projects Funds (SERF) ng kagawaran upang magkaloob ng pansamantalang emergency employment sa mga apektadong manggagawa sa mga tubuhan sa Piat, Cagayan.

“The P4,504,500.00 fund shall be utilized in paying the wages of the identified sugar worker beneficiaries for the 150-day mini community works,” ani Bello,.

Ang P3.6 milyon ay ilalaan sa mga magbubukid, habang ang mga nagtatrabaho sa gilingan at sa maliliit na tubuhan ay bibigyan ng P184,500 at P675,000, ayon sa pagkakasunod.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Itatalaga sa rehabilitasyon at pagkukumpuni ng mga bahay, lugar ng trabaho at pampublikong mga istruktura, ang bawat isa sa mga ito ay susuwelduhan ng P300 kada araw. (Samuel Medenilla)