Sumandal ang FEU-NRMF-Gerry’s Grill sa mainit na mga kamay ni Fil-Canadian sensation Clay Crellin upang igupo ang Philippine Air Force, 95-69, sa MBL Open basketball tournament kamakailan sa EAC Sports Center sa Ermita, Manila.

     

Si Crellin, pangunahing kandidato sa MVP race, ay kaagad nagpa-siklab sa unang dalawang bahagi ng laro upang umiskor ng 18 puntos para ihatid ang team ni manager Nino Reyes sa panalo sa kumpetisyon na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry vs Grill.

Nagpa-sikat din ang mga African imports na sina Moustapha Arafat at Bright Akhuetie para sa FEU-NRMF-Gerry’s Grill, nakaganti sa naunang 82-84 pagkatalo sa Air Force nung elimination round 

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

     

Si Arafat, ang 6-6 Cameronian center, ay nag-ambag ng 16 puntos, habang si Akhuetie, ang 6-8 Nigerian player,  ay nag-dagdag ng 11 puntos para sa FEU-NRMF, na nanguna mula simula hanggang matapos.

     

Sina Crellin, Arafat at Akhuetie ay nagpasaya sa mga manonod sa kanilang showtime moves.

     

Nakatulong nila ang dating Lyceum mainstay Dexter Zamora at ex-PBA stars Jerwin Gaco at Erick Rodriguez, na nagbigay ng leadership sa team.

   

Namuno para sa Air Force, na ginagabayan ni coach Alvin Zuniga, sina Jerry Lumongsod at Raniel Jake Diwa, sa kanilang 13 at 12 puntos.

     

Makahaharap ng FEU-NRMF ang elimination round topnotcher Emilio Aguinaldo College, na nanalo ng forfeiture laban sa Macway Travel Club.

Iskor:

FEU-NRMF-Gerry vs Grill (95) -- Crellin 18, Arafat 16, Zamora 13, Akhuetie 11, Camacho 8, Manalo 8, Gaco 7, Tamsi 6, Rodriguez 4, Raymundo 4, Tan 0.

     

Air Force (69) -- Lumongsod 13, Diwa 12, Morales 8, Cordero 7, Rebollos 6, Tano 6,  Cuasay 5,Valdevilla 4,  Almerol 4, Ollano 2, Dizon 2, Malig-on 0, Regalado 0.

     

Quarterscores: 24-18, 56-32, 80-48, 95-69.