1b

POKEMON ang tema ngayong taon ng dinadayo at kinagigiliwang Christmas Village sa Baguio Country Club (BCC) tuwing kapaskuhan sa Baguio City.

Pawang Pokemon characters ang nakakalat ngayon sa village na kinaaaliwan ng mga bisita, kasabay ang pag-ulan ng niyebe na lalong nagpapalamig sa lugar.

”Mas pinalaki, pinaganda ang Christmas village ngayon, upang maging sulit naman ang pagpunta ng mga turista sa ating lungsod ngayong kapaskuhan,” pahayag ni Jennifer Dotdot, in-charge ng Christmas Village.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

“Our Christmas village for this year is Pokemon theme, so lahat ng character ay nakakalat all over the place. This is to follow what the kids are crazy at the moment which is Pokemon game, so we decided to give Christmas village a pokemon feeling, not only for the adults, but for the children.”

Taong 2011 nang unang gawin ng mga empleyado ng BCC ang Christmas Village sa layuning makadagdag ng atraksiyon at destinasyon ng mga turista tuwing Kapaskuhan sa lungsod.

Pumatok ito, lalung-lalo na sa mga residente at nasundan noong 2012, na bagamat wala pang theme ang Christmas village ay ginawa nilang mga recycled-environment friendly material ang mga display sa village.

Noong 2013 ay nagkaroon na ng theme, ang “Winter Wonderland”; “Frozen” noong 2014 at “How To Train Your Dragon” noong 2015.

Ayon kay Ms. Dodot, mas pinalaki at gawa sa matibay na materyales ang display na bahay ngayon, kumpara sa mga nagdaang taon na malililit lamang at used materials na gaya ng plastic bottles ang ginamit sa makukuhay na Christmas Tree.

Aniya, ang unang itinayong Christmas village ay para lamang sana sa pamilya ng mga empleyado, pero hindi nila akalain na papatok ito sa publiko at bawat taon ay parami na nang parami ang kanilang bisita.

Bago itayo ay pinamimitingan muna ng mga empleyado kung ano ang theme at ang kabuuang kalalabasan na pinagtulung-tulungan nilang idisenyo. (RIZALDY COMANDA)

[gallery ids="210196,210195,210194,210193,210192,210187,210190,210191"]