Disyembre 5, 1978 nang lagdaan ng Union of Soviet Socialist Republics (USSR) o ang Soviet Union at ng pamahalaan ng Afghanistan ang isang “friendship treaty,” kung saan napagkasunduan ng magkabilang panig na maglaan ng military at economic assistance sa isa’t isa sa loob ng 20 taon.

Ang kasunduan ay nagmarka ng isang “qualitatively new character” ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa, ayon kay Soviet leader Leonid Brezhnev.

Gayunman, dahil sa nasabing kasunduan ay naging malapit ang mga Russian sa Afghan civil war sa pagitan ng Soviet-supported communist government at ang Mujahideen Muslim rebel na nagsimula makalipas ang isang taon.

Hindi nagtagal, hindi rin nakatulong ang kasunduan sa Afghanistan dahil ang Afghan Communist Party na pinamamahalaan ni Nur Mohammed Taraki ay pinatalsik at pinatay ng sarili niyang mga tauhsan noong Setyembre 1979.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Makalipas ang halos 10 taon, sa kasagsagan ng walang-humpay na digmaan, sinimulan ni Soviet Premier Mikhail Gorbachev na alisin ang mga tropa ng Russia.