SANTIAGO DE CUBA, Cuba (AFP) – Igagalang ng Cuba ang habilin ni Fidel Castro na walang itatayong monumento bilang parangal sa kanya at walang kalye na ipapangalan sa kanya, sinabi ni President Raul Castro nitong Sabado.

Magpapasa ang National Assembly ng batas sa katapusan ng buwang ito upang matupad ang kahilingan ng “El Comandante”, sinabi ni Raul Castro sa malaking rally sa bisperas ng paglilibing sa kanyang kapatid sa silangang lungsod ng Santiago de Cuba.

``The leader of the revolution rejected any manifestation of a cult of personality and was consistent in that through the last hours of his life, insisting that, once dead, his name and likeness would never be used on institutions, streets, parks or other public sites, and that busts, statutes or other forms of tribute would never be erected,’’ sabi ni Raul Castro.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Pinamunuan ni Castro ang Cuba mula 1959 hanggang sa magkasakit siya noong 2006, at namatay nitong Nobyembre 25 sa edad na 90.