Nakatakdang magbitiw sa puwesto si Vice President Leni Robredo bukas, Lunes, bilang chairperson ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), matapos niyang makatanggap ng impormasyon na ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte huwag na siyang padaluhin sa Cabinet meeting bukas.

Sa pahayag na inilabas ng kanyang kampo nitong Linggo ng gabi, sinabi ni Robredo: “I had been warned of a plot to steal the Vice Presidency. I have chosen to ignore this and focus on the job at hand. But the events of recent days indicate that this plot is now being set into motion.”

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

VP Robredo (MB PHOTO/FEDERICO CRUZ)
VP Robredo (MB PHOTO/FEDERICO CRUZ)

Sa nasabing pahayag, idinetalye rin ng Bise Presidente na sa simula pa man ay marami ang pagkakaiba sa mga prinsipyo at paniniwala nila ni Pangulong Duterte, kabilang na rito ang pagtutol niya sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, sa extra-judicial killings, sa pagbabalik ng death penalty at iba pa.

Gayunman, aniya, dahil kapwa sila may mandatong pagsilbihan ang publiko ay tinanggap niya ang tungkulin bilang Housing Secretary nang ialok ito sa kanya ng Presidente.

Sinabi pa ni Robredo na sa kabila ng maraming hadlang ay marami nangaccomplishments ang HUDCC sa nakalipas na halos limang buwan niya sa ahensiya.

Sa kabila nito, iginiit ni Robredo na mananatili siya bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.

“I will not allow the Vice Presidency to be stolen. I will not allow the will of the people to be thwarted. I will continue to serve the Filipino family and fulfill their dream for a better life,” bahagi ng pahayag ni VP Leni.