BEIJING (Reuters) — Ang tagumpay ng China na mapainit ang ugnayan sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagpapakita ng “conspiracy” ng ilang bansa na lalong titindi ang hidwaan sa South China Sea, ngunit ito’y pinabulaanan ayon sa foreign minister ng China nitong Sabado.

Noong Hulyo, nanalo ang Pilipinas sa kaso sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague kung saan pinatutunayan nitong sakop at pagmamay-ari nila ang nasabing isla, na matinding ikinagalit ng China.

Ngunit mas pinili ni Duterte na kaibiganin ang dating kaaway, bumisita sa Beijing noong Oktubre, at isinantabi ang iringan sa isla.

Sa kanyang talumpati sa isang academic forum, sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na ang pagbisita ni Duterte ay senyales ng mas magandang ugnayan ng Pilipinas at China.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This marks the return of the South China Sea issue to the correct track of resolution via dialogue and consultation, and means the conspiracies of relevant countries to use the South China Sea issue to disorder the region have been thoroughly broken,” aniya.

Hindi nagbanggit ng kahit anong bansa si Wang, ngunit madalas sisihin ng China ang United States at mga kaibigan nitong bansa gaya ng Japan at Australia sa pakikialam sa South China Sea.