Pormal na binuksan kahapon ang UAAP Season 79 juniors football tournament sa Moro Lorenzo field sa loob ng Ateneo campus sa Katipunan.
Nagsagupa ang nakaraang taong runner-up Ateneo de Manila at ang season host University of Santo Tomas sa tampok na laro.
Kasunod naman nilang maghaharap ang reigning titlist Far Eastern University-Diliman na naghahangad ng kanilang ikapitong kampeonato at ang De La Salle-Zobel.
Inaasahang muling mamumuno sa kampanya ng Baby Tamaraws ang reigning MVP na si Kieth Absalon.
Susunod na makakatunggali ng Baby Tamaraws ang Tiger Cubs sa Disyembre 10 bago makasagupa ang Blue Eaglets sa Disyembre 17 sa pagtatapos ng first round.
Magkakaroon ng isang buwang holiday break bago simulan ang second round sa Enero 14 ,2017. (Marivic Awitan)