OAKLAND, Calif. (AP) – Siyam katao na ang kumpirmadong namatay sa sunog na sumiklab habang ginaganap ang kasiyahan sa isang converted warehouse noong Biyernes ng gabi sa San Francisco Bay Area, ayon sa mga opisyal.

Sinabi ni Oakland Fire Chief Teresa Deloche-Reed na 25 katao pa ang nawawala kinaumagahan ng Sabado. Inaalam pa ng mga awtoridad kung sinu-sino ang mga nasa loob ng gusali nang sumiklab ang apoy dakong 11:30 ng gabi. Sinasabing 50 katao ang nasa loob nito na karamihan ay kabataan at ang ilan ay mga banyaga.

Ayon kay Alameda County sheriff’s Sgt. Ray Kelly, naghahanda na sila sa posibilidad na aabot sa 40 bangkay ang marerekober.

Bumagsak ang bubungan ng gusali na nilamon ng apoy habang ginaganap ang dance party na tampok ang 100% Silk West Coast tour ng musikerong si Golden Donna. Hindi pa malinaw ang pinagmulan ng sunog, habang patuloy ang recovery operations.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina