Nagpaabiso ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na posibleng tumaas ang singil sa kuryente ngayong Disyembre.
Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, ito ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ipinaliwanag niya na may power plants na sumisingil ng dolyar at nakaaapekto rin sa kanilang singil ang pagbaba at pagtaas ng halaga ng piso.
“There is a possibility for a slight increase in December, mainly due to the peso depreciation and fuel price increases,” sabi ni Zaldarriaga. (Mary Ann Santiago)