Hinikayat ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial ang mga local government unit (LGU) na magpatupad ng sarili nilang regulasyon laban sa paggamit ng paputok, upang maiwasan ang pagdami ng nabibiktima nito, lalo na sa bisperas ng Bagong Taon.

Ayon kay Ubial, dahil hindi na makahahabol pa na maipatupad ang batas para ipagbawal ang paggamit ng paputok, maaaring ang mga lokal na pamahalaan na lang ang magpatupad ng sarili nilang mga regulasyon kontra rito.

Aniya, Nobyembre lang nang matalakay nila sa pulong kay Pangulong Duterte ang planong tuluyan nang ipagbawal ang paggamit ng paputok sa bansa, kaya malabo na itong maipatupad sa ngayon.

Gayunman, posible aniyang maisakatuparan ito sa 2017.

Probinsya

Kinuyog sa kadugyutan! SK chairman sa Laguna, nag-sorry sa paghawak sa mga panindang siopao at hotdog

Pinayuhan pa ni Ubial ang mga LGU na magdaos na lang ng fireworks display para sa mga residente upang hindi na matukso ang mga ito na gumamit ng mga delikadong paputok.

Muli namang mariing nagbabala ang DoH laban sa mga ilegal na paputok, gaya ng Watusi, Piccolo, Super Lolo, Atomic, Big Triangulo, Mother Rockets, Lolo Thunder, Pillbox, Boga, Judah’s Belt, Bawang, Kwiton, Goodbye Philippines at Kabasi. (Mary Ann Santiago)