joshua-julia-ronnie-copy

NANANAKOT ang trailer ng Seklusyon na idinirihe ni Erik Matti at produced ng Reality Entertainment nina Dondon Monteverde at Stacey Bascon na napili bilang isa sa walong official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Mukhang isa ito sa mga dudumugin ng moviegoers dahil nakagawian na ring may horror movies kapag Metro Manila Film Festival. Ganitong klase ng pelikula ang pinapasok ng mga binatilyo at dalagita at pati na rin ng mga may edad na mahilig magtitili sa dilim ng sinehan.

Walang Shake Rattle and Roll na nakamulatan na ng lahat tuwing MMFF kaya tiyak na pagbabalingan itong Seklusyon ng followers ng nasabing franchise.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Revelation si Ronnie Alonte sa first horror movie niyang ito. Seminarista siya at bago maging ganap na pari ay pinalabas muna siya ng kumbento at ipinadala sa isang lugar na sabi’y ligtas pero hindi pala.

Pawang kilalang artista ang support ni Ronnie na kinabibilangan nina Lou Veloso, Neil Ryan Sese, Teroy de Guzman, Jerry O’Hara, at iba pa.

Nagustuhan din namin ang trailers ng mga pelikulang Vince and Kath and James nina Julia Barretto, Ronnie at Joshua Garcia na mahusay din at tungkol naman sa puppy love.

Bongga si Ronnie, dalawa ang entry niya ngayong MMFF at parehong maganda ang papel niya.

Sorry to say pero hindi namin nagustuhan ang trailer ng Saving Sally pero baka naman mas magandang panoorin na lang ito nang buo sa sinehan.

As ordinary moviegoer, gusto siyempre naming matawa kaya type namin ang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros at ang Ang Babae sa Septik Tank 2: Forever is not Enough nina Eugene Domingo at Jericho Rosales.

Interesting din ang pelikulang Sunday Beauty Queen na pawang OFW ang mga bida at ang Oro ni Mercedes Cabral kaya panonoorin din namin ito.

True-to-life story pala ang Sunday Beauty Queen ng mga kababayan nating OFW sa Hong Kong.

Ilang tulog na lang ay mapapanood na ang walong entry sa 2016 Metro Manila Film Festival at bago mangyari ‘yun, panoorin muna ang Chinoy Mano Po 7 na ipapalabas na sa mga sinehan sa Disyembre 14. (REGGEE BONOAN)