Radio hits ang lulutang bilang novelty numbers ng pinakamahuhusay na chorale mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa isang linggong pagtatanghal ng 2016 MBC National Choral Competition mula ika-6 hanggang ika-10 ng Disyembre sa Aliw Theater, Star City Complex, Pasay City.

Apatnapu’t anim (46) na mga chorale ang magpapagalingan para sa kampeonato sa children’s division at open category, at ang magwawagi ay tatanggap ng mahigit isandaang libong piso.

Tampok sa children’s division ang Calasiao Children’s Chorus, Himig Cauayeño, Dreamweavers Children’s Choir, Araullo High School, Musica Paulinos, Casa del Niño Choral Ensemble, Junior St. Paul College Pasig Chorale, Tuguegarao West Central School, Pasig Catholic College, Banates National Science High School, Pavia National High School, Ilocos Norte National High School, Voices of the South, Angelicus Children’s Choir, at ang defending champion na Boscorale.

Lalaban naman sa open category ang TIP Choral Society, Coro Amadeo, Adamson University Chorale, Carmelo, Tarlac State University Chorale, Voces Amicorum, OMPHP Youth Ensemble V, Coro Obsento, The Baganihan Singers, Urdaneta City University Music Ensemble, Coro Regina Coeli, Chorus Vocales Philippines, San Sebastian Chamber Singers, St. Didacus Singing Ambassadors, Vosco, CEU Singers Malolos, DYCI Dagalak, RMMC Himig Chorale, Koro Deo Duce, Tarlac Chamber Choir, Ligao National High School Voice Chorale, Quezon Science Madrigal Virtousos, PUP Bagong Himig Serenata, EARIST Chorale, Iloilo City National High School, ICP Charismatic Chorale, at ang University of Baguio Voices Chorale, na sisikaping makamit ang kanilang ikatlong panalo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang 2016 MBC National Choral Competition ay suportado ng Shell, Columbia Candies, Silka, Alaska, Dunkin Donuts, Goldilocks, Meralco, Medicol, at Chooks to Go. Tampok din gabi-gabi ang guest artists na sina Bugoy Drilon (Dec 6), Kristine Dera (Dec 7), Tanya Chinita (Dec 8, Myrtle Sarrosa (Dec 9, at ang 70s Superband (Dec 10).

Inaanyayahan ang lahat na panoorin ang labanan araw-araw na magsisimula ng alas singko ng hapon. Free admission.