Inaasahang malulutas na ng Land Transportation Office (LTO) sa lalong madaling panahon ang kakapusan nito sa driver’s license.

Ito ay matapos na itakda ng LTO sa Disyembre 20 ang panibagong public bidding para sa mga license card, ayon kay LTO Chief Edgar Galvante.

Matatandaang napanalunan ng kumpanyang Allcard Plastics Philippines ang isang-taong kontratang kinapapalooban ng P336 milyon noong nakaraang taon, upang mag-supply ng limang milyong plastic driver’s license card.

Ayon sa LTO, maaaring mailabas na sa publiko sa 2nd quarter ng 2017 ang mga lisensiya kung hindi aabot sa hukuman ang usapin. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'