rihanna-at-prince-harry-copy

BILANG bahagi ng kampanya ng World Aids Day sa Barbados, nagpa-HIV test si Rihanna at si Prince Harry ng Britain.

Sumailalim ang dalawa sa finger prick test sa isang clinic sa Bridgetown para mapalaganap ang kamalayan tungkol sa paglaban sa HIV/AIDS, bilang pakikibahagi sa iba pang events na ginanap sa buong mundo nitong Huwebes.

“If you are positive and you catch it soon enough, you can take medication and have a completely normal life with your loved ones,” saad ni Prince Harry.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Nagulat naman si Rihanna, na tubong Caribbean island at nakatira ngayon sa New York, sa mabilis ng pagkuha ng test, na mura, tama, at mabilis ang resulta ayon sa UNAIDS.

“I don’t think people are aware of how much progress has been made with the fight against HIV and AIDS,” saad ng 28-anyos na mang-aawit. “The more we get the word out, the better.”

Ayon sa datos noong 2015 mula sa Joint United Nations Program on HIV/AIDS (UNAIDS), umaabot sa 37.6 na milyong katao ang nabubuhay na may AIDS sa buong mundo. Ang dalawang milyong katao na may HIV ay nakatira sa Latin America at Caribbean.

Magkahiwalay na dumating sa Barbados sina Prince Harry at Rihanna nitong Miyerkules upang gunitain ang ika-50 anibersaryo ng kalayaan ng isla mula sa kolonya ng Britain. (Reuters)