dottie-ardina-0514-copy

FLORIDA -- Matikas na nakihamok ang Pinay golfer na sina Regan de Guzman at Dottie Ardina para manatiling buhay ang kampanya para sa hinahangad na LPGA tiket matapos ang ikatlong round ng Final Stage of the Qualifying School nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa Daytona Beach Florida.

Hataw si De Guzman sa naiskor na 70 para makopo ang ikawalong puwesto, habang tumipa si Ardina ng parehong iskor para makapasok sa top 10 ng standing.

Naisalpak ni De Guzman ang apat na birdie at dalawang bogey sa Hills Course para sa kabuuang 209 matapos ang tatlong round.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Umiskor naman si Ardina, Sea Games medalist, nang tatlong birdie at isang bogey para makapasok sa top 10 mula sa dating kinalalagyan na 12th place.

Ang mangungunang 20 sa kabuuang 156 kalahok ay mabibigyan ng ‘full card’ para makalaro sa LPGA, habang ang susunod na 25 player ay bibigyan ng conditional status.

Kumana si Clariss Guce ng 73 sa Jones Course para bumagsak sa ika-80 tangan ang 220, habang si Princess Superal ay nakabawi sa ika-63 mula sa dating 101th sa naiskor na 76 para sa kabuuang 222.

Malayo rin ang kinalalagyan ni Mia Piccio na tumipa ng 74 sa Hills Course para sa kabuuang 223 at sosyo sa 116th.