Isasagawa na rin ang Pilipinas Commercial Basketball League (PCBL) Visayas-Mindanao Cup bilang expansion at dagdag suporta sa matagumpay na pagsisimula sa unang taon ng developmental at grassroots program para sa mga susunod na Pilipino basketball players na isasabak sa internasyonal at lokal na torneo sa bansa.

Ito ang isiniwalat ni Van Halen Parmis, PCBL South coordinator, habang nasa paglahok sa Batang Pinoy National Championships sa Tagum City, Davao Del Norte kung saan ginigiyahan nito ang Cebu Province sa paglahok sa isa sa 24 na pinaglabanang sports na 3-on-3 basketball.

Sinabi ni Parmis, assistant coach ng University of Visayas (UV) Lancer, na nakatakdang simulan ang torneo na may basbas ni PCBL Chairman Buddy Encarnado matapos ang isinagawang pagpupulong nito lamang Oktubre kung saan binigyan pansin ang PCBL-Cebu league.

“Chairman Buddy wants to introduce PCBL in Cebu and Mindanao because he knows na isa ang Visayas sa hot bed ng basketball with the likes of Dondon Ampalayo and Jojo Lastimosa as some of its products. He (Encarnado) was so sure that may makikita at madidiskubre dito na talento na puwede isali sa national team,” sabi ni Parmis.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ipinaliwanag pa ni Parmis na may pitong koponan na agad nagkumpirma ng kanilang pagsali sa torneo na binubuo ng local government units tulad ng Leyte, Ormoc, Tacloban, Southern Leyte and commercial teams na ERQ Builders at Samsan Gullas Team.

“During our partial meeting with LGU’s ay target opening sana is by January after the Sinulog Festival pero matapos ang inspection of the supposed venue ay hindi pasado dahil walang dug-out kaya naghanap uli at nakipag-usap pa kami sa ibang probable host para mapagsagawaan ng mga laro,” aniya.

Nakausap naman sa kasalukuyan at nakipagkasundo sina Parmis kay acting Dalaguete Mayor Jeffrey Belcina para maipaayos ang Dalaguete Sports Complex na 86km South of Cebu na kumpletuhin ang pasilidad para sa torneo. (Angie Oredo)