Mga laro ngayon
(Araneta Coliseum)
3:00 n.h. -- NLEX vs Meralco
5:15 n.h. -- San Miguel Beer vs Alaska
Makasalo ang Rain or Shine at Globalport sa liderato ang tatangkain ng NLEX , sa pangangasiwa ng bagong lipat na si coach Yeng Guiao, kontra sa Meralco ngayong hapon sa nakatakdang double header sa 2017 OPPO-PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Tatangkain ng Road Warriors na makamit ang ikalawang sunod na panalo ganap na 3:00 ngayong hapon kontra Bolts na nais namang makabangon mula sa natamong kabiguan sa kamay ng Blackwater.
Ipamamalas ng NLEX na hindi lamang suwerte ang naging overtime win nila kontra Alaska Aces na naglarong wala ang ilang key players kabilang na si Calvin Abueva.
Ayon kay Guiao, inaasahan nyang magiging ‘morale booster’ ang una nilang tagumpay para sa kanyang koponang nagsisimula pa lamang yakapin ang bagong sistema na na dala niya sa team. (Marivic Awitan)