Sa mga tagasubaybay ng NBA sa Twitter, ipinahayag ng social networking ang pakikipagtambalan sa Globe para live na mapanood ang dalawang programa ng NBA via live streamer sa Twitter.

Bunsod ng pagkakaisa, pinatatag ng Twitter ang pagpapalabas ng live stream ng NBA highlight at programa – para mapaabot sa mas nakararami ang at mapalawak ang kanilang ‘access’ na matunghayan ang aksiyon sa premyadong basketball league sa mundo.

Bilang advertising partner, makikiisa ang Globe sa Twitter para sa live stream ng dalawang NBA shows na natatangi dahil sa sangkap nitong balitaktakan nang mga tagahanga.

Ang dalawang programa -- The Starters Twitter Show at The Warmup –na kapwa produced ng Turner Sports, ay magkakaroon ng live stream kada linggong palabas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hiniling ng NBA sa mga tagahanga na bisitahin ang thestarters.twitter.com at thewarmup.twitter.com para mapanood ang naturang programa.

Ang ‘The Starters Twitter Show’ ay mapapanood tuwing Martes ganap na 11 n.u. (Manila time) kung saan co-host sina J.E. Skeets (@jeskeets) at Tas Melas (@TasMelas), kasama rin sina Trey Kerby (@treykerby), Leigh Ellis (@LeighEllis), Matt Osten (@StartersMatt) at Jason Coyle (@startersjd).

Mapapanood naman ang ‘The Warmups’ tuwing Huwebes ganap na 7:30 ng gabi.

“Twitter is where the world of sport is happening every single day, and the NBA is no exception,” sambit ni Maya Hari, Managing Director for Southeast Asia and India, Twitter.

“Ninety percent of male Twitter users in the Philippines are interested in basketball, with 76% of them actively following and watching the NBA. As part of Twitter’s focus on live streaming of premium content, we are proud to partner with Globe to promote the live stream game highlights to Filipino NBA fans.”

“Our collaboration with Twitter strengthens our commitment to provide the best customer proposition of giving access to world class basketball entertainment. Twitter’s live stream service allows us to strengthen our proposition to bring the best in sports to more Filipinos and in this case, more exclusive content on the NBA. With two exclusive shows on Twitter, customers are given a new platform where they can explore and get real-time updates about the NBA, from the leading teams to the top players in the league,” pahayag naman ni Globe Senior Advisor for Consumer Business Dan Horan.