URDANETA CITY, Pangasinan – Patay ang isang lalaki makaraang barilin sa ulo habang nag-uusyoso sa narinig niyang putok ng baril sa kanilang lugar sa Zone 1, Barangay San Jose sa bayang ito.
Minalas si Rodolfo Sumera, 32, tricycle driver, nang siya ang barilin sa ulo matapos siyang mag-usyoso sa narinig na putok ng baril, dakong 11:30 ng gabi nitong Biyernes.
Ayon sa report, nakikipag-inuman si Sumera sa kanyang mga kaibigan sa loob ng bahay nang makarinig siya ng putok ng baril kaya nagbaka-sakali siyang sumilip sa labas ng bahay, ngunit pinaputukan siya sa ulo ng hindi nakilalang suspek. (Liezle Basa Iñigo)