KAPANALIG, kamusta na nga ba ang buhay ng mga Pilipino? Isa mga paraan upang masagot ang tanong na ito ay ang pagtingin sa Human Development Index (HDI).

Ang HDI, ayon sa UN at sa Philippine Statistics Authority (PSA), ay sumusukat sa mga naabot na tagumpay sa tatlong dimensyon ng pantaong kaunlaran o human development ng isang bansa. Ang tatlong dimensyon na ito ay ang mahaba at malusog na buhay, pagtamo ng karunungan, at access sa yaman o resources tungo sa mainam na kalidad ng buhay.

Magandang balita ang dala ng pinakahuling Human Development Report noong 2015. Ayon sa report, tumaas ng 20% ang HDI ng ating bansa mula 1980 hanggang 2014. Noong 1980, 62.2 lamang ang life expectancy o haba ng buhay ng Pilipino.

Noong 2014, umabot na ito sa 68.2%. Pagdating naman sa inaasahang bilang ng taon ng pag-araal (expected years of schooling), umabot na ito ng 11.3 noong 2014 kumpara sa 10.3 noong 1980. Ang per capital income naman ay $7,915 o P49,903 noong 2014. Nasa P4,410 lamang ito noong 1980.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bagamat tumaas ang HDI, ang inequality o ‘di pagkakapantay-pantay sa ating bansa ay nakaapekto sa ating tagumpay.

Nasa 15.2% ang ‘di pagkakapantay-pantay sa life expectancy, 11.6% sa edukasyon, at 26.8% naman sa income o kita.

Ang inekwalidad ay isang isyu na dapat bigyan natin ng atensiyon. Isa itong malaking dahilan ng mabagal na pagsulong ng ating bansa.

Ayon sa pagsusuri ng Philippine Institute for Integrative Studies (PIDS), noong January 2015, ang ating opisyal na datos ay nagpapakita na ang proporsyon ng mahirap na Pilipino ay hindi nagbabago hanggang ngayon. Maliban pa rito, mas dumadami ang mahirap dahil mas lumalaki ang ating populasyon.

Paano ba natin matutugunan ang inekwalidad at hindi pagkakapantay-pantay sa ating bansa? Walang makitang mabilis na paraan upang malunasan ang problema ng inekwalidad sa bansa. Ngunit maaaring magsimula ang bayan sa paglalatag ng mga polisiya na magbibigay puwang sa mas malikhain at masiglang partisipasyon ng maralita sa lipunan. Pagbibigay oportunidad sa trabaho at iba pang pagkakakitaan gaya ng small and medium enterprises ay isang paraan. Ang access sa batayang serbisyo gaya ng edukasyon at kalusugan ay dapat palawigin pa. (Fr. Anton Pascual)