PALAKI nang palaki ang lamang ng GMA sa ibang network sa nationwide TV ratings base sa survey data ng Nielsen TV Audience Measurement.

Mula 1.8 points noong Oktubre, umabot na ng 3.2 points ang lamang ng GMA sa ABS-CBN nitong nakaraang Nobyembre (base sa overnight data ang Nobyembre 20 hanggang 30) dahil sa naitala nitong 37.8 percent household audience share sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) kumpara sa 34.6 percent ng ABS-CBN.

Bunga ito ng patuloy na pamamayagpag ng GMA sa lahat ng dayparts lalo na sa primetime na nahigitan ng GMA ng 3.9 points ang pinakamahigpit nitong kalaban.

Lalo ring tumatag ang pagiging number one ng Kapuso Network sa Urban Luzon na kinaroroonan ng 77 percent ng kabuuang TV households sa bansa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nakapagtala ang GMA ng 42.5 percent sa Urban Luzon, higit na mas mataas ng 12.3 points sa 30.2 percent ng ABS-CBN.

Double-digit ang lamang ng GMA sa ABS-CBN sa lahat ng dayparts.

Kapuso Network din ang naghari pagdating sa top programs sa NUTAM sa pangunguna ng Encantadia na my 24.4 percent household rating. Walo sa 10 programa sa top 10 ang mula sa GMA kabilang ang 24 Oras (22.3 percent), na ngayon ay number one primetime newscast sa bansa, Pepito Manaloto (22.9 percent), Magpakailanman (22.1 percent), Alyas Robin Hood (20.8 percent), Ismol Family (20.7 percent), Kapuso Mo, Jessica Soho (20 percent) at 24 Oras Weekend (18.8 percent).

Wagi rin sa nationwide ratings ang Hay Bahay (18.7 percent), Tsuperhero (18.3 percent), Wowowin (16.1 percent), Imbestigador (15.6 percent), Eat Bulaga (15.2 percent), Sunday Pinasaya (13.3 percent), at Someone to Watch Over Me (13 percent).

Samantala, ang boxing special na Resurgence: Pacquiao versus Vargas (32.9 percent) na ekslusibong umere sa Philippine free TV sa GMA, ang nanguna sa listahan ng top programs with specials.