Isang bebot na kasama sa drug watch list ng pulisya ang itinumba ng riding-in-tandem sa harap mismo ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni SPO2 Jonathan Ruiz, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ang biktima na si Bernadette Ricasa, 27, ng 188 Osmeña Street, Tondo, Maynila.

Nakatayo at nagti-text umano ang biktima nang biglang lapitan at barilin ng mga suspek na tumakas lulan sa isang motorsiklong walang plaka.

Isinugod umano ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit hindi na ito naisalba dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang sentido na tumagos sa kanang sentido at sa kaliwang leeg.

National

Sen. Bam Aquino, bumati sa Fil-Chinese community sa selebrasyon ng CNY

Ayon sa mga awtoridad, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang motibo sa pagpatay nang malaman na kabilang sa drug list ang biktima at pati na rin ang kanyang kinakasama. (Mary Ann Santiago)