Disyembre 4, 1872 nang madiskubre ang American vessel na Mary Celeste ng British ship Dei Gratia ngunit ito’y misteryosong inabandona malapit sa Azores Islands sa Atlantic Ocean.

Nilisan ng Mary Celeste ang New York para sa Genoa, Italy noong Nobyembre 7, sakay si Captain Benjamin S. Briggs, kanyang asawa at dalawang taong gulang na anak, walong crew, at cargo na 1,700 barrel ng crude alcohol. Lumalabas sa huling entry ng captain’s log na ang Mary Celeste ay may layong 500 milya mula sa lugar kung saan nasilayan ang barko. Ito ay nasa maayos na kondisyon, maayos ang pagkakalagay sa mga cargo, ngunit walang taong nakasakay, at nawawala ang mga lifeboat at navigational instrument nang matagpuan ito ng kapitan ng Dei Gratia na si David Morehouse at crew.

Hanggang ngayon, nananatiling misteryo ang paglaho ng Mary Celeste.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya