alden-at-iba-pang-ata-hosts-copy

CONGRATULATIONS to Alden Richards for a job well done as one of the hosts sa katatapos na 21st Asian Television Awards (ATA) na ginanap sa Suntec Singapore International Convention and Exhibition Center in Singapore.

Naging co-host si Alden ng mga sikat na Asian artists na sina Andrian Pang of Singapore, Stephanie Carrington of Korea, Fiona Su of Korea and Baki Zainal of Malaysia. Si Alden ang first Filipino artist na naimbitahan para mag-host ng prestigious TV award-giving body in Asia.

Dumalo rin si Michael V na nominated sa Best Performance by An Actor sa Pepito Manaloto. Hindi man siya nanalo, naging karangalan daw para sa kanya ang pagiging presenter ng ilang awards, kasama ang actress na si Julie Tan.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nagbigay naman ng solo performance ang isa pang Pinay na si Ivy Grace Paredes na naging X-Factor UK finalist. Inawit niya ang Chandelier na binigyan ng masigabong palakpakan ng audience. Marami raw kasing Pinoy sa audience dahil nga kay Alden na kilala na worldwide as the half of AlDub. Balitang binigyan din ng extra invitations ang AlDub fans ng ATA.

Kaya nang manalo ang Korean drama series na Descendants of the Sun ay napakalakas din ng palakpakan dahil katatapos lang nitong ipalabas dito sa Pilipinas. Sayang nga lamang at ang producer ang tumanggap ng award, wala ang bidang si Song Joong-Ki na paborito ng mga Pinoy.

Na-enjoy ni Alden ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng ATA na mas maaga siyang pinapunta sa Singapore. Nagkaroon siya ng chance na sagutin ang tanong ng fans sa Twitter na #AskATA using his Twitter account @aldenrichards02 dahil in-assign siya sa Twitter Takeover. Bago nagsimula ang awards night, nag-report din si Alden ng mga pangyayari sa loob ng venue at ipinakita niya from the backstage kung gaano kalaki at kalawak ng venue at kung gaano karami ang dumalo sa awards night.

Inamin ni Alden na may nerbiyos siya habang naghahanda, pero sa rami raw ng good luck tweets na natatanggap niya from all over the world, na-relax siya.

Kuwento nga ng isang nanood na friend na based sa Singapore, nakakataba raw ng puso na tuwing lalabas at magsasalita sa stage si Alden, ang lakas ng cheer na akala mo ay siya ang nanalo ng awards.

Si Andrian Pang ang nag-interview kay Alden, at ni-research pa raw siya nito sa iInternet at bumilib ito sa accomplishments nila ni Maine Mendoza.

Maaga pa kinaumagahan ng event, kahapon, nag-tweet na si Alden ng pasasalamat: “Maraming salamat po sa magagandang comments! Maraming salamat po sa suporta! Praise GOD He will never fail you if you truly seek Him.” (NORA CALDERON)