BEIJING (AP) — Kumpirmadong patay ang 21 minero na nakulong sa loob ng apat na araw makaraang pasabugin ang kanilang pinagmiminahan, habang apat na katao ang inaresto kaugnay sa nangyaring pagsabog, iniulat ng Xinhua News Agency kahapon.
Kabilang sa apat na suspek ay ang may-ari ng minahan at tatlong manager, ipinahayag ng emergency rescue headquarters sa isang statement na ipinarating ng Xinhua.
Isang minero naman ang nawawala sa lungsod ng Qitaihe sa probinsiya ng Heilongjiang sa China, at ang mga bangkay ay nahukay noong Biyernes ng gabi, ayon sa Xinhua.