Nakaiwas sa pag-aresto si dating Metro Rail Transit (MRT)-3 General Manager Al Vitangcol kaugnay ng kinakaharap nitong kasong graft sa tangka umanong pangingikil ng $30 million sa Inekon Group noong 2012.
Ito ay makaraang magpiyansa si Vitangcol ng P60,000 sa 6th Division ng Sandiganbayan para sa pansamantala niyang kalayaan.
Una nang itinanggi ni Vitangcol ang akusasyon at iginiit na kasinungalingan lang ang kaso laban sa kanya at bahagi, aniya, ng political persecution dahil sa pagsalungat niya sa nakaraang administrasyon. (Rommel P. Tabbad)