Sung Kim

Dumating na sa bansa kahapon si United States Ambassador-Designate Sung Kim at nagpahayag ng kahandaang makipagtrabaho sa gobyerno ng Pilipinas upang mapatatag ang tinawag niyang isa sa “most important special partnerships anywhere” sa mundo—ang ugnayang Pilipinas at Amerika.

Sa kanyang talumpati pagdating sa Ninoy Aquino International Airport nitong Huwebes ng gabi, inamin ni Ambassador Kim na matagal na niyang gustong paglingkuran ang Pilipinas.

“Now I am finally here to contribute to one of the most important special partnerships anywhere,” ani Kim, na dating pangunahing diplomat ng Amerika sa South Korea.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Sinabi ng Korean-born American diplomat na ang alyansa ng Amerika sa Pilipinas “is really one of the most enduring partnerships”, partikular na ang pambihirang ugnayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Samantala, itinakda kagabi, dakong 10:00, ang pagtawag ni Pangulong Duterte sa telepono kay US President-elect Donald Trump mula sa Davao City upang personal na batiin ang huli.

Napabalitang si Duterte ang unang world leader na bumati sa pagkapanalo ni Trump nitong Nobyembre 9 at sinabi sa isang talumpati sa Malaysia na: “Ayaw ko (na) makipag-away (sa Amerika) kasi nandiyan na si Trump.”

(Roy Mabasa at Elena Aben)