img-20161128-wa0001-copy

DUMAGUNDONG ang SM Mall of Asia Arena sa sigawan ng libu-libong fans nang manalo ang Black Team ni Daniel Padilla laban sa Blue Team ni Gerald Anderson sa katatapos na Kapamilya Playoffs: All Star Basketball Game nitong nakaraang Linggo.

Mahigpit ang naging labanan ng dalawang koponan na kapwa may kani-kanilang pambato. Pagkatapos ng laro, tinanghal na kampeon ang Black Team sa score na 96-93.

Bukod sa team captain na si Daniel, tinanghal na Mythical 5 sa friendly game sina Ronnie Alonte, Young JV, Axel Torres at si Gerald na team captain naman ng kabilang grupo.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

Si Axel ang nag-uwi ng Most Valuable Player award dahil sa walang mintis na mga tira ng two at three points shots.

Kabilang sa Black Team sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco, Vin Abrenica, Anjo Damiles, Marco Gumabao, Patrick Sugui, Axel Torres, Jon Lucas, Paulo Angeles, Ronnie Alonte at Xian Lim.

Pinangunahan naman nina Rayver Cruz, Jason Abalos, Matt Evans, Diego Loyzaga, Young JV, Jimboy Martin, Miko Raval, Gerard Acao, Joe Vargas at Ejay Falcon ang Blue Team.

Ang aktres ng MMFF 2016 entry na Vince and Kath and James na si Julia Barretto ang nanguna sa ceremonial toss.

Samantalang nag-perform naman sina Iñigo Pascual at Alexa Ilacad sa pre-show event.

Siyempre, dumalo at sumuporta sa Black Team si Kathryn Bernardo with matching banners. Present din at nakisaya sina Bea Alonzo at Kim Chiu.

Present din sina Ria Atayde, Dani Barretto, Joshua Garcia at GirlTrends members na sina Erin Ocampo, Chienna Filomeno at Loisa Andalio. Kasama naman sa awarding ceremony ang sikat na volleyball player na si Alyssa Valdez.

Mas naging excited sa laro ang lahat dahil naging bahagi ang PBA Legends na nagsilbing coaches ng dalawang koponan, sina Alvin Patrimonio at Benjie Paras para sa Black Team samantalang si Jerry Codiñera naman para sa Blue Team.

Mapapanood ang Kapamilya Playoffs: All Star Basketball Game sa December 11, 4:00 PM sa ABS-CBN Sports and Action Channel. (REGGEE BONOAN)