WASHINGTON/BEIJING (Reuters) — Kinausap sa telepono ni U.S. President-elect Donald Trump si President Tsai Ing-wen ng Taiwan, ito ang unang pagkakataon na nagkausap ang magkabilang panig sa nakalipas na apat na dekada, ngunit pinutol ng China ang tawag bilang ito’y isang “petty action”.
Ilang oras matapos ang pag-uusap sa telepono noong Biyernes, sinisi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi ang Taiwan sa nangyaring pag-uusap.
“This is just the Taiwan side engaging in a petty action, and cannot change the ‘one China’ structure already formed by the international community,” pahayag ni Wang sa isang academic forum sa Beijing, iniulat ng state media.
Ipinahayag ni Trump sa Twitter na si Tsai ang may pakana sa pag-uusap nila ng pangulo ng Taiwan.
“The President of Taiwan CALLED ME today to wish me congratulations on winning the Presidency. Thank you!” ani Trump.