Napaulat na dumiretso na sa “forget me’’ drawer ng Senado ang “show-cause order” na isinumite ng Kamara de Representantes upang pagpaliwanagin si Senator Leila de Lima kung bakit hindi dapat na ma-contempt ang senadora nang payuhan nitong magtago ang dating driver na si Ronnie Dayan upang makaiwas sa House hearing.

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, ginawa ang archiving nitong Lunes ilang oras makaraang isumite nina House Majority Leader Rodolfo Farinas at Rep. Reynaldo V. Umali, chairman ng House justice committee, ang nasabing order kay Senate Secretary Lutgardo Barbo.

Kasabay nito, binigyan naman ng Department of Justice (DoJ) si De Lima ng hanggang 19 na araw upang sagutin ang criminal complaints na inihain laban sa kanya sa kagawaran kaugnay ng pagdawit sa senadora sa bentahan ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi kahapon ni Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong na kailangang makapagsumite si De Lima at mga co-respondent nito ng kani-kanilang counter-affidavit hanggang sa Disyembre 21, at personal na panumpaan ito.

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026

(Mario Casayuran at Jeffrey Damicog)