Papasinayaan ang tinaguriang world’s tallest statute ng Divine Mercy, na aabot sa 100 talampakan, sa Bulacan, sa Enero 19, 2017.
Ayon kay Father Prospero Tenorio, secretary general ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) Asia, ang rebulto ay nakatayo sa isang apat na palapag na multi-purpose building sa National Shrine of the Divine Mercy sa Marilao, Bulacan.
Enero ngayong taon nang sinimulan ang konstruksiyon ng estatwa ni Hesus noong Enero 2016, at inaasahang tuluyang matatapos ngayong taon. (Mary Ann Santiago)