[caption id="attachment_209831" align="aligncenter" width="597"]
TAGUM CITY, Davao Del Norte – Sa kabila ng trahedyang naganap sa pamilya, pursigido ang magkapatid na Nyka Jenin at Nyko Archival na magtagumpay sa sports.
Para sa magkapatid isa itong katuparan sa pangarap nang namayapang ama. At bilang panimula, nagtatayo sila ng pundasyon sa Philippine National Youth Games (PNYG)-Batang Pinoy.
Hindi man nakapagwagi ng medalya, itinuturing ng 14-anyos na si Nyka Jenin at 13-anyos na si Nyko na napangiti nila ang ama sa kabila nang kawalan ng hustisya sa maagang pagkamatay nito.
Isang criminal lawyer ang kanilang ama na kabilang sa biktima nang pananambang.
“Our dad used to bring us while training in triathlon. He is set to compete in his first ever Ironman along with my mom and friend but tragedy struck. He was ambushed in Dalaguete,” malungkot na pahayag nu nyka.
“My dad is so excited to compete along with my mom on his first triathlon,” aniya.
Hindi man nagawa ng ama ang nais, silang magkapatid ang nagtuloy sa adhikain nito sa kanilang paglahok sa triathlon competition.
Si Nyka Jenin ay Grade 9 sa University of San Carlos at may taas na 5-foot-3 habang si Nyko na Grade 8 ay may taas naman na 5-foot-2.
Ang ama nila ay si Atty. Noel D. Archival na isang kilalang criminal lawyer at ang ina na si Eillen ay isang negosyante.
“Our mom told us to get back in training as Dad wanted us to do,” aniya.
Ikatlo sa limang magkakapatid si Nyko, kasalukuyang nagsasanay sa middle distance 800m, 1,500m at 5,000m.
‘We know that competing here in Batang Pinoy will make our dad happy wherever he is now,” sambit ni Nyka.
“We feel that our Dad is still guiding and watching us while we are competing,” aniya. (Angie Oredo)