Ipinasa ng House committee on tourism ang panukala na naglalayong hirangin ang Filipino boxing icon na si Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang official endorser ng Department of Tourism (DoT) kaugnay ng kampanya na gawing premier tourist destination ang Pilipinas.
Sa pagdinig ng komite tungkol sa mga plano at programa ng DOT para sa 2017, iminungkahi ni 1-Pacman Party-list Rep. Enrico Pineda na hirangin si Pacquiao bilang endorser at tagapagsalita ng kagawaran dahil sa pambihira nitong popularidad, hindi lang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo.
Aniya, maaaring magsilbi si Pacquiao sa DoT nang libre dahil ubod na ng yaman ito at mapagkawanggawa pa.
(Bert de Guzman)