DIADI, Nueva Vizcaya - Patuloy pang nakalalaya ang isang pulis-Diadi na tumakas matapos umano niyang mapatay ang abogado na asawa ng sinasabing kanyang lover na kapwa niya pulis.

Sa panayam kahapon ng Balita kay Chief Insp. Alexander Cabang, hepe ng Diadi Police, kinilala ang biktimang si Atty. Jemar Apada, tubong Tuguegarao City, Cagayan at chief of staff ni Apayao Governor Elias Bulut, Jr. habang ang suspek ay si PO1 Clifford Dulnuan, intelligence officer ng Diadi Police.

Sinabi ni Cabang na kakasuhan ng homicide ang suspek sa pagkakapaslang kay Apada, na nagtamo ng apat na tama ng bala sa dibdib at isa sa mukha.

Dakong 12:55 ng umaga nang biglaang umuwi ang biktima mula sa Maynila at abutan niyang magkasama sa boarding house sa Barangay Poblacion ang asawa niyang si PO2 Jennifer Apada at si Dulnuan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nabatid na patuloy pang pumapasok sa trabaho si PO2 Apada ngunit hindi pa makausap nang maayos. (Liezle Basa Iñigo)