Patay ang isang senior citizen matapos binaril at pagtatagain ng sarili niyang apo dahil sa alitan sa lupang kapwa nila sinasaka sa Malaybalay City, Bukidnon, iniulat ng pulisya kahapon.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Dionesio Bane, ng Barangay Ginuyuran, habang pinaghahanap na ng pulisya ang apo niyang si Junjun Matiban.
Ayon sa imbestigasyon , pinagbabaril at pinagtataga ni Matiban ang kanyang lolo makaraang banggitin nito ang tungkol sa alitan nila sa lupa na madalas umanong ungkatin ng matanda. (Fer Taboy)