LIMA (AFP) — Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Peru na ikinamatay ng isang katao, ikinasugat ng 17 iba pa at ikinawasak ng dose-dosenang bahay, pagkukumpirma ng mga opisyal nitong Biyernes.

“Authorities in the district of Ocuviri have confirmed the death of a minor and 17 injured who are now being assisted by medics,” pahayag ng National Civil Defense Institute (INDECI) sa Twitter matapos ang pagyanig nitong Huwebes.

Tumama ang lindol sa Puno region dakong 5:40 ng hapon (2240 GMT) nitong Huwebes, ang mata nito ay nasa 58 kilometro (36 milya) mula sa bayan ng Lampa at may lalim na 30 kilometro, ayon sa ulat ng Geophysical Institute of Peru (IGP).”Eight collapsed homes are reported in Lampa and 40 affected in the Paratia district. People are located in safe areas,” iniulat ng INDECI, idinagdag na naputol ang linya ng komunikasyon sa nasabing lugar.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national