Pinarangalan kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang street sweeper na nakadiskubre kamakailan sa itinanim na improvised explosive device (IED) malapit sa US Embassy sa Maynila.

Mismong si Secretary Mark Villar ang naggawad ng parangal kay Ellie Balabagan sa isang seremonya kaugnay ng napigilang pagsabog ng bomba malapit sa US Embassy nitong Lunes.

Kinilala bilang 'hero behind the foiled bombing', isang certificate at P20,000 cash ang ipinagkaloob kay Balabagan, na anim na buwan pa lamang nagtatrabaho bilang street sweeper.

Nadiskubre ni Balabagan, tubong Iligan City, ang IED dakong 6:00 ng umaga matapos tingnan ang isang basurahan sa Roxas Boulevard. Agad niyang ipinaalam ito sa pulisya at tuluyang napigilan ang pagsabog dakong 7:45 ng umaga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Una nang ipinaliwanag ni National Capital Region Office (NCRPO) Regional Director Chief Supt. Oscar Albayalde na ang 81 mm mortar, kung sakaling sumabog, ay maaaring makapinsala sa lahat ng nasa 100 meter radius nito.

(Argyll Cyrus B. Geducos)