ANG buong akala ng mga kasamahang manunulat ay makakasama nila si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa taunang birthday gathering sa Salu Restaurant sa Scout Torillo corner Sct. Fernandez Streets.
Paliwanag ng nag-estima sa aming birthday celebrants na si Ms. Harlene Baustista-Sarmenta, nasa Mexico ang butihing mayor kasama ang department heads for a seminar para sa lalong ikakaunlad ng siyudad ng Quezon, na sa pagkakaalam namin ay napanatili pa rin ang pagiging numero unong siyudad sa National Capital Region.
Gayunpaman, super happy ang lahat ng press people na dumalo at nag-enjoy sa masasarap na pagkain.
Pagmamay-ari ng mag-asawang Harlene at Romnick Sarmenta ang naturang resto.
Hanggang ngayon, malayo sa isip nilang mag-asawa ang pagpasok sa pulitika.
“Mas gugustuhin pa naming sumubsob sa pagnenegosyo kaysa pasukin ang pulitika na ‘yan,” sey ng dating sikat na That’s Entertainment mainstay na si Harlene Bautista. (Jimi Escala)