Mariing tinutulan ng isang opisyal ng Simbahang Katoliko ang plano ng Department of Health (DoH) na mamahagi ng mga condom sa eskuwelahan at sinabing maaari lamang itong mauwi sa maagang pakikipagtalik ng mga estudyante.

“Distributing condoms will only condone sexual activity among students,” pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Public Affairs Committee, sa isang panayam.

Aniya, magsasayang lamang ng pera ang gobyerno sa pagbili ng mga condom.

“But even granting the students will, in fact, not engage in sex, for what purpose will the condom serve now?” ani Secillano.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ipinahayag ng DoH nitong Huwebes na plano nitong mamahagi ng mga condom sa eskuwelahan sa buong bansa upang maiwasan ang pagkalat ng Human Immunodeficiency Virus/ Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS). (Leslie Ann G. Aquino)