Sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na handa siyang pangalanan ang kanyang “kumpare” na inamin niyang tumawag at nakiusap sa kanya upang maibalik sa puwesto ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 8 na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa. Sr. sa loob ng piitan.

Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na papangalanan lang niya ang kanyang kumpare kung sasabihin ni Senator Leila de Lima ang source nito na nagsabing si Presidential Management Staff (PMS) Chief Bong Go ang nasabing kumpare.

“Sabihin niya muna sa akin kung sino source niya (De Lima), sabihin ko kung sino kumpare ko na kausap ko,” ani Dela Rosa.

Nang tanungin kung si Bong Go nga ang pumadrino kay CIDG-8 Director Chief Supt. Marvin Marcos, sinabi ni Dela Rosa: “Basta meron akong kumpare tumawag, hindi siya.” (Francis T. Wakefield)

‘Messenger.com,’ hindi na magagamit simula Abril 2026