Tuluy-tuloy ang pagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ayuda sa mga residente ng Butig, Lanao Del Sur na naipit sa bakbakan ng militar at ng Maute Group.

Batay sa mga report mula sa DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), may kabuuang 2,894 na pamilya o 14,470 indibiduwal ang inilikas sa walong barangay sa Butig simula nang magkasagupa ang militar at Maute terror group nitong Nobyembre 26.

Nasa 627 pamilya o 3,135 katao ang nakatuloy ngayon sa apat na evacuation center sa Butig at sa mga barangay ng Bayabao at Madrasah Raya Timbab, habang 2,035 pamilya o 10,175 indibiduwal naman ang nakitira muna sa kanilang mga kaanak at kaibigan.

Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, upang matiyak na kaagad na maihahatid ang mga kinakailangang serbisyo sa mga apektadong pamilya ay binuksan ng DSWD-Field Office XII ang mga operations cente nito sa Marawi City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Chito A. Chavez)